Binigyan Lang ng Halaga

Kumusta ka na?
Ikaw
Ang nag iisa kong minamahal
Ikaw ang nag sisilbing bitwin
Na nag liliwanag sa buhay kong madilim
Ikaw
Ang nag bibigay saakin ng halaga
Pero parang walang pagmamahal ang namamagitan sa ating dalawa

Ikaw na sana ang gusto kong makasama
Sa buhay ko ikaw ay mapaligaya
Gusto ko man sabihin na ako nalang sana ang iyong piliin
Pero mas pinili mo ang pansamantalang kasiyahan
Kaysa sa akin na buong buhay mo nang kaligayahan

Pilit ko man limutin
Ang sakit na iyong hatid
Ou sobrang sakit
Pero tagos pa rin sa aking damdamin
At bitbit ko ito araw araw
Na gusto ko man sabihin sayo
Pero hindi mabigkas sa mga labi kong ito
Mga gusto kong itanong talagang galing sa puso ko
Kung ano ba talaga tayo?
O may tinatawag ba na tayo?
Binigyan mo nga ako ng halaga
Mahalin mo rin ako sana

Yung parang akong isang mamahailing kwintas na araw araw mong sinusuot
Na lagi mong hinahawakan
At iyong iniingatan
Sa pag gabi ako na ay iyong tanggalin
Ikaw ay hindi gusto
Gustong masakal sa pag tulog mo sa gabi
Na itago sa sulok ng aparador
Dahil ikaw ay takot
Takot na manakaw ako sa iba
Ayoko maging mahalaga
Ang gusto ko ay ang mahalin
Ang kailangan ko ay iyong mahalin
Sana patawarin mo ako na tanga ako
At papatawarin kita na hindi ako ang pinili mo
Patawarin mo sana na hindi ako sumuko sayo
Kahit alam ko wala na akong pag asa
Mahal patawad
Ito na ang huling hinanaing na lalabas sa aking bibig
Pakinggan mo sana itong tulang isinulat ko para sayo
Para sa atin
Sa huling araw ng ating pagkikita
Mahal

Ito na, bibitawan na talaga kita

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patay na si Hesus and We Hope Jude can find his own Accountant